Bumuo Ng Maikling Usapan At Gamitin Ang Mga Uring Pangungusap.
Bumuo ng maikling usapan at gamitin ang mga uring pangungusap.
Sa isang usapan ay laging naglalaman ng ibat ibang uri ng pangungusap. Hindi man natin ito napapansin dahil sa bilis ng ating pakikipag-usap matibay na ebidensya na ang mga ito ang nagpapakulay ng mga usapin.
Maikling usapan at gamit ang mga uri ng pangungusap
Ang usapan sa loob ng tahanan.
Masayang naghuhugas ng pinggan si Marco ng dumating ang kanyang ina na pagod na pagod mula sa palengke.
Nanay: Marco ikuha mo ako ng tubig
Marco: Saglit po!
Nanay: Nakapanghihina ang init!
Marco: Heto na po ang tubig!
Nanay: Nakapaghugas ka na ba ng mga pinggan?
Marco: Ginagawa ko pa lamang po noong tinawag nyo ako para maghugas ng pinggan.
Maya-maya ay biglang dumating ang tatay ni Marco mula sa paaralang pinagtuturuan nito.
Tatay: Marco maaari mo bang ilagay ang mga dala-dala ko sa kwarto?
Marco: Sige po itay!
Nanay: Marco ipagpatuloy mo na ang paghuhugas ng pinggan! At ako naman ay maghahain na ng makakain na ang tatay mo.
Sa hapag kainan ay napag-usapan ng mag-asawa ang kukuhaing kurso ni Marco sa kolehiyo.
Nanay: Mahusay ang anak natin sa Matematika kayat nais ko sana siyang kumuha ng inhinyero.
Tatay: Kung ito ang nais at hilig ng ating anak ay lubos akong sumasang-ayon.
Marco: Pasensya na po, gusto ko po sanang maging isang arkitekto. Alam ko po sa sarili ko na mas magiging mahusay ako sa ganitong gawain.
Napagkasunduan ng mag-asawa na sundin ang hilig ng kanilang mahal na anak.
Comments
Post a Comment