Bakit Mahalaga Para Sayo Na Makilahok At Magkawang Gawa Sa Kapwa? Ipaliwanag

BAKIT MAHALAGA PARA SAYO NA MAKILAHOK AT MAGKAWANG GAWA SA KAPWA? IPALIWANAG

Ang kaligayahan ay nasa pagbibigay at hindi sa pagtanggap. Hindi sinasabi ng kawikaan na ito na walang kasiyahan ang tumanggap. Sa totoo lang, maligaya ang napaglalaanan dahil ibig sabihin nito ay minamahalaga siya. Pero higit na nakapagbibigay ng kaligayahan kapag ang isa ay may gawa para sa iba. Bakit mahalaga na makilahok at magkawang-gawa sa kapuwa?

Maraming mga eksperto sa kalusugan ang nagsasabing lumalakas ang kalusugan ng kanilang mga pasyente na nagbibigay ng pansin hindi sa sarili nilang sakit kundi sa pagtulong sa iba na kapuwa maysakit. Ang ating pisikal na katawan ay mas mabilis mapagaling, mas bumababa ang presyon ng dugo at mas masarap ang tulog kapag aktibo tayo sa mga serbisyong panlipunan. Bahagi ng ating pagkatao na makadama ng kapanatagan dahil alam nating ang ating ginawa ay nakapagdulot ng kaginhawahan sa iba. Yamang tayo mismo, alam nating kapag ginawa ito ng iba sa atin, tunay na makapaglalaan din ng pampatibay lalo na kung naibigay ang tunay na pangangailangan sa buhay.

Marami ang nag-iisip na ang pagkakawang-gawa ay isang publisidad lamang o di kaya naman ay isa lamang obligasyon. Kung totoo ito, tiyak na hindi magpapatuloy ang tao sa ganitong gawain dahil ang isang gawaing napipilitan lamang ay hindi kasiya-siya at walang kabuluhan.


Comments

Popular posts from this blog

Paano Nakakatulong Ang Petition Of Rights Sa Ating Bansa ??

Gregor Mendel Was The First Scientist To Use Statistics To Analyze Scientific Data. Before Mendel2019s Experiments, Scientists Believed That Organisms